Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 7, 2020): 609 bilanggong pulitikal, palayain!
IPINANAWAGAN NG Karapatan ang agarang pagpapalaya sa 609 bilanggong pulitikal sa bansa, laluna ang matatanda at may malulubhang karamdaman. Ito ay upang mailayo sila sa masikip at bulnerableng kundisyon sa mga kulungan sa panahon ng pandemyang Covid-19.
Binigyan ito ng bagong tulak matapos manawagan si United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na magpalaya ang mga bansa ng mga bilanggo para ibsan ang pagsisiksikan sa mga kulungan. Tumugon na sa panawagang ito ang Iran, Brazil at iba pang bansa.
Naglunsad din ang grupo ng kampanyang #SetThemFree at #FreePoliticalPrisonersPH sa social media. Bago nito, nanawagan ang mga simbahan na palayain ang mga detenidong pulitikal, kabilang ang National Council of Churces of Philippines at ang Archdiocese ng San Carlos.
Malaking bahagi (209) ng mga bilanggong pulitikal na inaresto sa panahon ni Duterte ay mga magsasakang inakusahang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2020/04/07/609-bilanggong-pulitikal-palayain/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.