PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
JANUARY 07, 2020
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang pagkakatalaga ni Duterte kay Secretary Eduardo Año, kasalukuyang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Sa pagkakatalaga kay Año bilang bagong pinuno ng Philippine National Police, lalong pinatalas ni Duterte ang pangil nito sa paghahasik ng teror at lagim sa sambayanang Pilipino.
Hinirang si Año ni Duterte sa kalagayang wala diumano siyang napupusuan sa mga nakahanay na matataas na mga opisyal na tatayong pinuno ng PNP kapalit ng maagang nagretirong “ninja cop” na si General Oscar Albayalde noong Nobyembre 2019.
Ginawang dahilan ni Duterte ang kawalan niya ng tiwala sa integridad ng mga nakahanay na matataas na opisyal ng PNP para maipwesto si Año sa katungkulan.
JANUARY 07, 2020
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang pagkakatalaga ni Duterte kay Secretary Eduardo Año, kasalukuyang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Sa pagkakatalaga kay Año bilang bagong pinuno ng Philippine National Police, lalong pinatalas ni Duterte ang pangil nito sa paghahasik ng teror at lagim sa sambayanang Pilipino.
Hinirang si Año ni Duterte sa kalagayang wala diumano siyang napupusuan sa mga nakahanay na matataas na mga opisyal na tatayong pinuno ng PNP kapalit ng maagang nagretirong “ninja cop” na si General Oscar Albayalde noong Nobyembre 2019.
Ginawang dahilan ni Duterte ang kawalan niya ng tiwala sa integridad ng mga nakahanay na matataas na opisyal ng PNP para maipwesto si Año sa katungkulan.
Dapat paghandaan ng taumbayan ang pagharap at paglaban sa lalong pagtindi ng panunupil ng estado sa kanilang mga demokratikong karapatan at kalayaang sibil ngayong itinalaga na ni Duterte na mamuno sa PNP ang isang militarista, mabalasik at masugid na anti-komunista at tanyag sa pagiging pasistang si Secretary Eduardo Año. Si Secretary Año ang isa sa pangunahing may kinalaman sa pagdukot at pagkawala ni Jonas Burgos, isang agrikulturista ng Kilusang Magbubukid sa Pilipinas (KMP) noong Abril 2007 na pinaniniwalaang pinaslang ng grupo nina Año habang tumatayong pinuno ng kinakatakutang Intelligence Service Group ng Philippine Army (ISG-PA). Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang mga labi ni Jonas Burgos.
Sa tabing ng di umano’y paglilinis at pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma sa hanay ng PNP, mas pinili at itinalaga ni Duterte si Secretary Eduardo Año, upang pakawalan ang buong lupit ng terorismo ng estado sa sambayanang Pilipino tulad ng mga operasyong Synchronized Enhanced Managing Operation (SEMPO)/Oplan SAURON sa Negros at mga katulad na operasyon sa Samar at Kabikulan.
Sa pamamagitan ng kontrol sa AFP at PNP, mapapakilos ni Duterte ang mga ito bilang kanyang pribadong “makinarya ng kamatayan” sa mga extra judicial killings at panunupil sa demokratikong karapatan ng mamamayan kabilang ang mga kritiko at pampulitikang oposisyon.
Asahan na magpapatuloy ang walang kasing-lupit na mga pagpatay at pagdanak ng dugo sa pagpapatupad ng pasistang rehimen ng anti-mamamayan at anti-demokratikong panunupil sa mamamayan sa tabing ng pekeng kampanya laban sa iligal na droga. Makailang beses na sinabi ni Duterte sa kanyang mga pahayag sa publiko na magpapatuloy nang walang humpay, madugo at katatakutan ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga.
Sa ilalim naman ng pamumuno ni Año, asahan din ang higit na paglobo ng bilang ng mga biktima ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao, korapsyon at pamamayagpag ng mga sindikatong kriminal sa loob ng PNP. Titindi ang mga pag-atake sa masang magsasaka, mga manggagawa, maralitang tagalunsod at sa mga progresibong grupo at organisasyon katulad sa nangyari sa ilang bayan sa Negros Oriental na sabayang pinagpapatay ang pitong mga walang kalaban-laban na mga magsasaka at drayber ng habal-habal at ng iligal na mga pag-aresto sa mga inosenteng sibilyan sa pamamagitan ng SEMPO o mas kilala sa tawag na Oplan Sauron ng PNP. Hindi malayong maulit ang ganitong pangyayari ngayong si Año na ang may tuwirang hawak sa poder ng PNP.
Asahan din ang lalong pagdami ng bilang ng mga kakasuhan at ipakukulong batay sa mga gawa-gawang kaso at pagtatanim ng mga ebidensya ng PNP laban sa mga indibidwal na kasapi ng mga progresibong organisasyon, mga kritiko at oposisyon na masugid na tumutuligsa at lumalaban sa pasista at tiranikong paghahari ni Duterte. Nagawa nang maipwesto ang mga galamay ng PNP sa hudikadura na instrumento sa paglalabas ng search warrants para halughugin at taniman ng ebidensya ang bahay ng mga kilalang lider at aktibista pati mga opisina ng mga progresibong organisasyon.
Walang ibang dapat gawin ang taumbayan kundi ang ihanda ang sarili, higit na palakasin ang hanay at matatag na labanan ang inaasahang matitinding pag-atake sa bayan ng pasista at mersenaryong PNP ngayong si Año na ang may tuwirang kontrol dito. Hindi dapat tayo matakot at masindak sa anumang ihahasik na teror ng administrasyong Duterte. Kailangan ang patuloy at ibayong pagsisikap na pukawin, organisahin at pakilusin ang pinakamalawak na bilang ng mamamayang lalaban at bibigo sa karahasan ng estado.
Ang patuloy na pagsidhi ng kahirapan ng sambayanang Pilipino at ang matinding panunupil ng pasistang rehimeng US-Duterte sa kanilang mga demokratikong karapatan at kalayaang sibil ang magsisilbing matabang lupa para pagsibulan ng disgusto, pagkamuhi at paglaban mula sa mga di-mulat at nahuhuling seksyon ng mamamayang Pilipino at magtutulak sa kanila na sumama at mapabilang sa mga grupo at organisasyong lumalaban sa pasistang rehimen.
Kayang gawin ng taumbayan ang pagpapabagsak sa kapangyarihan ng pasistang rehimeng US-Duterte tulad ng nangyari sa diktador at tiranikong si Ferdinand E. Marcos na pinabagsak ng popular na pag-aalsa sa EDSA. Walang magagawa ang AFP at PNP na hadlangan ang daluyong ng rumagaragasang mga tao sa kalsada na nananawagan ng pagpapatalsik sa kapangyarihan ng isang traydor, korap, kriminal at mamamatay tao na si Duterte.
Samantala, ang rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan (TK) ay patuloy na gagawa ng mga hakbang para singilin at papanagutin ang mga pasista at mersenaryong tropa ni Duterte na patuloy na gumagawa ng krimen laban sa bayan. Titiyakin ng NPA sa rehiyon, sa pamamagitan ng mga ilulunsad nitong mga taktikal na opensiba, na patamaan sa maraming bahagi ang mga isinasagawang focused military operations (FMO) ng AFP at PNP at ng armadong komponente ng Retooled Community Support Program (RCSP) na isinasagawa ng DILG sa balangkas ng whole-of-nation approach to end local communist armed conflict. Uuwi ang mga berdugo at palalong kaaway sa kanilang mga kampo na duguan at bitbit ang kanilang mga kaswalti sa labanan.
Patuloy na hahanapin upang mapanagot at magawaran ng angkop na kaparusahan ang sinumang indibidwal mula sa hanay ng AFP, PNP, CAFGU at iba pang pwersang para-militar ng estado na nakagawa ng krimen laban sa bayan at rebolusyonaryong kilusan. Makakaasa din ang taumbayan sa patuloy at walang humpay na pagsisikap ng rebolusyonaryong kilusan sa TK sa pagtataguyod at pagtatanggol sa interes at kapakanan ng mga mamamayan ng rehiyon. ###
https://cpp.ph/statement/hinggil-sa-pagkakatalaga-kay-ano-upang-pamunuan-ang-pnp/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.