Wednesday, June 19, 2019

CPP/NPA-Masbate: Lansakang paglabag sa karapatang pantao ang pagpapatupad ng M.O. 32 at E.O. 70 ng AFP at PNP sa Kabikolan partikular sa probinsya ng Masbate at Sorsogon

NPA-Masbate propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 18, 2019): Lansakang paglabag sa karapatang pantao ang pagpapatupad ng M.O. 32 at E.O. 70 ng AFP at PNP sa Kabikolan partikular sa probinsya ng Masbate at Sorsogon

LUZ DEL MAR
NPA-MASBATE (JOSE RAPSING COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JUNE 18, 2019

Mataas na pagkondina ang ipinapahayag ng Jose Rapsing Command, JRC- BHB Masbate sa sunod-sunod na ekstra-hudisyal na pamamaslang dito sa lalawigan, ganun din sa probinsya ng Sorsogon.

Sa loob lamang ng linggong ito ay apat na katao ang magkakasunod na pinatay sa paraang tokhang style na kagagawan ng mga death squad ng 9th IDPA sa dalawang probinsya.

Ang ganitong klase ng pamamaslang ay bunsod sa ipinalabas ng diktador, berdugo at teranikong rehimeng US-Duterte na M.O. 32 at E.O. 70 na naglalagay sa rehiyong Bikol sa ilalim ng de facto martial law sa layuning puksain di umano ang rebolusyonaryong kilusan na naglalagablab sa anim na probinsya ng bikol. Alinsunod dito ay inilabas at ipinatutupad ngayon ng AFP at PNP ang bagong Internal Security Operation Joint AFP-PNP Campaign Plan Oplan Kapanatagan na kinapapalooban ng mga binuong “death squad” ng militar at pulis na siyang tutugis sa mga pinaghihinalaang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan.

Sa magkasunod na araw noong ika 9 at 10, Hunyo 2019 ay naging biktima ng mga death squad sina Arnie Espinilla at Sando Alcovindaz sa bayan ng San Fernando, Masbate. Ang mga biktima ay lehitimong residente at magsasaka sa Brgy. Liong at Brgy. Buenavista na parehong pinatay ng grupo ni Sgt. Chalas na lider ng PDT na sumasaklaw sa baryo ng Buenavista.

Nito namang nakalipas na Byernes sa lungsod ng Sorsogon ay binaril at napatay din sina Ryan Hubilla at Nelly Bagasala na kabababa palang sa tricycle. Ang dalawa ay aktibong kasapi ng KARAPATAN –Sorsogon, progresibong organisasyon na nagtataguyod at nagtatanggol sa karapatang-tao.

Ang mga biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang ay patraydor na pinatay ng mga bayarang sundalo at pulis na masugid na tagapagpatupad ng anti mamamayang M.O. 70 at E.O. 32 na siyang bumuo sa Internal Security Operation Joint AFP-PNP Campaign Plan Oplan Kapanatagan.

Unti-unti pinapatay ng gobyernong Duterte ang mga Bikolano sa ngalan ng kanyang marahas at mapanupil na mga polisiya sa layuning puksain ang rebolusyonaryong kilusan sa kabikolan sa ilalim ng Oplan Kapanatagan.

Kung gaano katapang si Duterte sa pandadahas sa kanyang mamamayan ay bahag naman ang buntot nito na ipagtanggol ang soberanya at integridad ng bansa sa panghihimasok at paglapastangan sa yaman ng bansa ng gobyernong Tsina.

Ang rehimeng US-Duterte ay kinamumuhian ng mamamayan dahil sa sunod-sunod na krimen at brutal na pamamamaslang sa mga Pilipino. Nagiging bihasa si Duterte sa pagpapalaganap ng karahasan na siya nitong ikinatutuwa tuwing may napapatay ang kanyang berdugo at mersenaryong AFP at PNP.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang Bikolano at Masbatenyo na huwag kayong matakot na ilantad ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga kasundaluhan, kapulisan at masasamang elemento na kinakanlong ng kriminal na si Rodrigo Duterte.

Para naman sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa dalawang probinsya na pag ibayuhin ang lahat ng paraan na mapagbayad ang mga sangkot sa ekstra – hudisyal na pamamaslang sa lahat ng mga yunit ng AFP at PNP.

Hustisya para sa lahat na mga biktima ng ekstra- hudisyal na pamamaslang!
Inutang na dugo ng AFP at PNP, pagbayarin!
Bagong Hukbong Bayan, soldados san pobre!
Isulong ang Digmang Bayan!


https://www.philippinerevolution.info/statement/lansakang-paglabag-sa-karapatang-pantao-ang-pagpapatupad-ng-m-o-32-at-e-o-70-ng-afp-at-pnp-sa-kabikolan-partikular-sa-probinsya-ng-masbate-at-sorsogon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.