Thursday, May 18, 2017

Tagalog news: Mga kadete ng PMA, bumisita sa Palawan

From the Philippine Information Agency (May 19): Tagalog news: Mga kadete ng PMA, bumisita sa Palawan

Nasa 300 mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na kasama sa Mabalik Class of 2019 ang bumisita sa lalawigan at lungsod kamakalawa. Ang pagbisita ng mga kadete sa lalawigan ay bahagi ng kanilang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang malaman ang mga tradisyon, kultura, kaugalian at pamumuhay ng mamamayan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ito ay bilang paghahanda sa mga kadete sakaling madestino sila sa mga lalawigan. Sa kanilang pagbisita sa lalawigan ay nagpamalas ang mga ito ng kanilang gilas sa pamamagitan ng ‘silent drill’ na isinagawa sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa lungsod ng Puerto Princesa na dinaluhan naman ng mga poster parents ng mga ito at mamamayan ng lungsod.

Isa rin sa layunin ng pagbisita ng mga kadete ay ang makahikayat pa ng mga Palawenyo na pumasok sa PMA.

May nakatakdang pagsusulit o entrance exam ang pamunuan ng PMA sa lalawigan na isasagawa sa Holy Trinity University (HTU) ngayong Mayo.

Sa Mabalasik Class of 2019 ay dalawa sa mga kadete dito ang nagmula sa Palawan. Ito rin ang pangatlong batch ng PMA Cadets na bumisita sa lalawigan.
http://news.pia.gov.ph/article/view/721494557958/tagalog-news-mga-kadete-ng-pma-bumisita-sa-palawan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.