New People's Army (NPA) propaganda statement posted to the National Democratic Front (NDF) Website (May 5): DALAWANG PAG-ATAKE INILUNSAD NG BHB LABAN SA PWERSANG PANSEGURIDAD NG PROYEKTONG MEGA DAM SA ILOG PAN-AY (The NPA launches two attacks against security forces protecting the Mega Dam in Ilog Pan-ay)
Jose Percival Estocada Command
Matagumpay na inilunsad ng dalawang yunit ng BHB sa ilalim ng JPEC, NPA-Central Panay ang dalawang magkasunod na harassment operations laban sa dalawang detatsment ng Philippine Army at Cafgu na bahagi ng pwersang panseguridad sa itatayong proyektong mega dam sa Ilog Pan-ay.
Batay sa panimulang ulat, ang unang pag-atake ay inilunsad laban sa PA-Cafgu detatsment sa Bgy. Abangay, Tapaz, Capiz, bandang alas otso ng gabi ng Mayo 4, 2016. Ang pangalawang pag-atake ay ipinatupad laban sa PA-Cafgu detatsment sa Bgy. Daan Sur, Tapaz, Capiz, bandang alas kwatro ng umaga ng Mayo 5, 2016. Ligtas na nakaatras ang mga yunit ng BHB matapos ang mga pag-atake.
Ang huling dalawang aksyon ay pangalawang bugso at pang-apat nang mga pag-atakeng inilunsad ng JPEC sa loob ng dalawang linggo. Ang unang bugso ay kinabibilangan ng harassment operation laban sa detatsment ng 6th Regional Public Safety Battalion ng PNP sa Bgy. Agcalaga, Calinog, Iloilo noong Abril 18, 2016 at ng ambus gamit ang command-detonated explosive laban sa 15-man operating troops ng 31st Division Reconnaissance Company (DRC), Philippine Army, noong Abril 21, 2016 kung saan hindi bababa sa lima ang kaswalti sa tropang militar.
http://www.ndfp.org/dalawang-pag-atake-inilunsad-ng-bhb-laban-sa-pwersang-panseguridad-ng-proyektong-mega-dam-sa-ilog-pan-ay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.