New People's Army (NPA) propaganda anti-military (61st Infantry Battalion) statement posted to the National Democratic Front (NDF) Website (May 5): LT. COL PEÑA — WALANG ALAM SA KASAYSAYAN NG 61ST IB (LTC Pena doesn't know the history of the 61st IB)
Jose Percival Estocada Command
(Pahayag sa Pilipino at Hiligaynon)
Mahigit na sa anim na buwan, mula Oktubre 19, 2015, ng nanungkulan si Lt. Col. Leonardo Peña bilang commanding officer ng 61st Infantry Battalion, Philippine Army pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring itong alam sa kasaysayan ng kanyang pinamumuang bataljon.
Sa isang pagtitipon ng mga mamamayan ng Bgy. Katipunan, Tapaz, Capiz na pinatawag ni Lt Col. Peña noong Abril 6, 2016 ipinagkaila nito ang mga karahasan at mga paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan na kagagawan ng militarya laluna ng 61st IB, PA. Ayon kay Lt. Col. Peña na sa kapanahunan pa ng Philippine Constabulary (PC) nangyari ang mga karahasan at paglabag sa karapatang pantao na ipinaparatang ng mga mamamayan at hindi na raw nangyayari ito sa kasalukuyan dahil nagbago na at naging propesyunal na daw ang militära.
Para sa kaalaman ni Lt. Col. Peña, ang 61st IB, PA ay inilipat sa isla ng Panay mula sa isla ng Negros noong Nobyembre 2010 sa dahilang pinapalayas na ito ng mamamayang Negrense bunga ng kanyang mahabang listahan ng mga krimen laluna ang kasong pagpatay sa kay Benjamin Bayles, isang lider-manggagawa, sa Himamaylan City, noong Hunyo 14, 2010. Pinatunayan mismo ni Col. Edilberto Surante, Adjutant General ng Philippine Army, na ang dalawang suspek, si Pfc Rafael Cordova at Pfc Reygine Luas, ay pawang mga kasapi ng 61st IB, PA na pinamumunuan noon ni Lt. Col. Ricardo Bayhon.
Sa mahigit limang taon nang pananatili ng bedugong batalyong ito dito sa isla ng Panay nagpatuloy ang mga karahasan nito na lalong nagpahaba sa listahan ng kanyang mga krimen. Narito ang listahan ng mga malalaking krimen ng 61st IB, PA, laban sa mamamayang Negrense at Panayanon:
1. Nobyembre 11, 2002. Pagbihag at pagtortyur sa mga magsasaka na sina Moises Arcadeña, 62 taong gulang; ang kanyang mga anak na sina Eddie, Ely at Moreto; at sina Marcelito Romano at Demetrio Bitongga pagkatapos ng isang engkwentro sa pagitan ng NPA at Philippine Army sa Barangay Manlocahoc, Sipalay City.
Kasabay ng nabanggit na insidente ang pagharas sa mag-asawang sina Rodolfo at Gina Baylosis. Hinalughog ang tahanan ni Moreto Paborada at pinunit ang importanteng mga papeles kalakip na ang mga birth certificate, marriage certificate, diploma at mga dokumento ng kalabaw at motorsiklo. Ninakaw pa ang P500 nga nakatago sa aparador ng pamilya.
2. 2004: Pinatunayan ng isang fact-finding mission ng mga militanteng organisasyon at mga taong-simbahan ang 36 na mga kaso ng paglabag ng 61st IB sa karapatang pantao sa mga baryo ng Siaton, Negros Oriental.
3. Pebrero 2, 2004. Arbitraryo dinakip, pinailaim sa interogasyon at pagpreso sina Isabel Necesario, Julia Tabat at Medardo Sayosa, mga kasapi ng Bayan Muna at Anakbayan sa Bgy Molobolo, Cauayan, Negros Occidental. Pinagbintangan silang mga kasapi ng NPA matapos taniman ng bala at mga documento.
4. Mayo 28, 2006. Pagdukot sa kay Roberto Marapo at Dionelo Borres sa Bgy Andulaan, Ilog, Negros Occidental. Kinilala ang dalawang nagdukot na mga operatiba sa paniktik ng 61st IB.
5. 2006. Pamomomba, pag-istraping a ptaglikha ng iban pang karahasan, kasama sa 11th IB at 3rd Scout Ranger Company, sa 6 na barangay ng Calatrava, Negros Occidental na nagresulta sa pagbakwet ng 2,497 na mamamayan. Kasabay nito ang pagdakip at pagtortyur ng tatlong menor de-edad nga taga-Bgy Malanog, Calatrava at 2 pang sibilyan na sina Nathaniel Alesgar at Ruel Tapio.
6. Pebrero 22, 2010. Pagbaril sa kay Ronald Capitanea, public information officer ng Camindangan Small Farmers Association, sa Hacienda Mabuhay, Brgy Gil Montilla, Sipalay City, Negros Occidental.
7. Hunyo 14, 2010. Pagpatay sa kay Benjamin Bayles isang lider-manggagawa sa Himamaylan City, Negros Occidental.
8. Enero 11, 2011 – pananakot sa pamamagitan ng pagtutok ng baril sa kay Anabelle Loreno at sa apat nitong mga batang babae na mula tatlo hanggang 14 na taong gulang, sa Bgy Binolusan Grande, Calinog, Iloilo. Resulta nito, nasiraan ng pag-iisip ang 14-taong gulang na bata.
9. 2011 – 2012 – pagposisyon ng mga PDT units sa mga sentro ng baryo sa Tapaz at Calinog na naglagay sa panganib sa buhay ng mga mamamayan at gumambala sa kanilang pamumuhay. Sa panahong ito lumaganap ang pagkawala ng mga kalabaw at iba pang hayop ng magsasaka, dumami ang mga kaso ng pamomolestya at pagbuntis ng mga dalaga, lumaganap ang pornograpiya at pagdadala ng mga bayarang babae sa kanilang mga detatsment.
10. Marso 11, 2012 – pagpaputok ng M203 grenade launcher sa bahay ni Odloy Aguirre sa Tacayan, Tapaz, Capiz na nagresulta sa pagkapatay ng kanyang 6-taong gulang na bata na si Rodelyn Aguirre at pagkasugat ng 4-taong gulang na kapatid nito.
11. Oktubre 7, 2013 – pinaulanan ng putok ang bahay ni Kagawad Abelardo Diaz sa Nayawan, Tapaz, Capiz na ikinamatay ni Pastor Mirasol at pagkasugat ni Rolando Diaz, Sr..
12. 2013 hanggang sa kasalukuyan – Pananakot sa mga sibilyan laluna sa mga lider ng militanteng organisasyon ng katutubong Tumandok na mariing tumututol sa patuloy na pangangamkam ng 3rd Infantry Division, Philippine Army sa kanilang lupaing ninuno, lumalaban sa itatayong mapaminsalang proyektong mega dam sa Ilog Jalaur at Ilog Pan-ay, at sa mga nagpapatupad ng programa sa rehabilitasyon sa mga biktima ng superbagyong Yolanda.
13. 2010 hanggang sa kasalukuyan. Pamiminsala sang mga paray sa kaingin at iba pang pananim ng magsasaka sa panahon ng kanilang mga combat operations.
Ang nabanggit na mga pangyayari nagpapakita na sagad sa buto ng doktrina ng karahasan laban sa mamamayan ang mga opisyal at tauhan ng 61st IB, PA. Ang mga nakaraangg commanding officers nito, katulad kay Ret. Lt. Gen. Cabuay, ay mga bantog na pasistang ginantimpalaan ng matataas na posisyon dahil sa kanilang papel sa mga extrajudicial killings sa mga legal na lider-masa at progresibo na nagresulta daw sa pagpahina ng rebolusyonaryong kilusan.
Nagpapakita rin ito na “propesyunal” na sinungaling si Lt. Col. Peña. Hindi kataka-taka na wala ni kahit isang pumalakpak sa mga pinagyayabang ni Lt. Col. Peña pero napakalakas ang palakpak ng mga mamamayan ng Bgy Katipunan tuwing may magsalita at maglahad ng kanilang karanasan sa mga karahasang militar. Hindi rin kataka-taka na pinapalayas na ng taga-baryo ang 61st IB sa kanilang komunidad.
Ka Jurie Guerrero
Tagapagsalita
JPEC, NPA-Central Panay
http://www.ndfp.org/lt-col-pena-walang-alam-sa-kasaysayan-ng-61st-ib/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.