Wednesday, May 7, 2014

CPP/Ang Bayan: Sundalong protektor ng iligal na pagtotroso, binihag sa DNorte

Excerpt from the Tagalog edition of the propaganda publication Ang Bayan posted to the CPP Website (May 7): Sundalong protektor ng iligal na pagtotroso, binihag sa DNorte

Inaresto ng mga gerilya sa ilalim ng Comval-North Davao-South Agusan Subregional Command ang isa na namang elemento ng AFP na pumoprotekta sa mga iligal na magtotroso.

Binihag noong umaga ng Mayo 3 sa Barangay Floria, Kapalong, Davao del Norte si Cpl. Rogelio Rosales ng 60th IB Bravo Coy. Inaareglo noon ni Rosales ang paglilipat ng mga troso patungo sa pagawaan ng plywood nang siya ay bihagin. May nakuha ring isang sachet ng shabu sa kanya.

Si Rosales ay bahagi ng mga sundalong pumoprotekta sa TANGGO, isang malaking sindikato ng mga magtotroso na sumasaklaw sa Trento, Agusan del Sur; Laak, Compostela Valley; at Kapalong, Davao del Norte. Lihim nilang idinadaan ang mga troso sa haywey tuwing gabi at dinadala sa TPPMC Cuambugan plywood plant. Si Diosdado Wamilda, isang retiradong pulis, ang nakikipagtransaksyon sa planta, at isa sa mga kasosyo nila si Nonoy Magandam, na siyang bumibili ng nga troso sa Trento.

Ipinatutupad ng BHB ang patakaran ng “total logging ban” para maprotektahan ang nalalabing kagubatan, makapangampanya para sa reforestation o muling pagbuhay sa kagubatan, mapigilan ang malakihang pagtotroso at mapangalagaan ang seguridad sa kabuhayan ng masa sa pamamagitan ng sustenableng komunal na pagsasaka.

Kamakailan ay may mga kinumpiskang mga troso ang BHB sa Sityo Patel, Barangay Gupitan, Kapalong at sa Barangay Datu Davao at Barangay Balwarte, Laak.

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140507/sundalong-protektor-ng-iligal-na-pagtotroso-binihag-sa-dnorte

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.