Posted to the Armed Forces of the Philippines (AFP) Facebook Page (May 25, 2023): PRESS RELEASE | Loose firearms sa Maguindano del Sur patuloy na nilalansag (Loose firearms in Maguindano del Sur are being found continuously)
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Resulta ng mas pinalakas na kampanya ng pamahalaan laban sa paglaganap ng loose firearms, pitong indibidwal ang boluntaryong nag-turnover ng iba't-ibang armas mula sa mga barangay ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong Myerkules ng umaga (Mayo 24, 2023).
Sa tulong ng 2Mech Bn na pinamumunuan ni Lt. Col. Tristram Tolentino nai-turnover ang mga baril na kinabibilangan ng tatlong (3) Cal.30 M1 Rifle, isang (1) M14 Rifle, isang (1) Uzi 9mm, dalawang (2) 12 Gauge Shotgun at isang (1) M16 Rifle mula sa mga Barangay ng Brar, Mapayag, Adaon, Midtimbang, Tulunan, Nunangan at Tugal.
Ayon kay Brigadier General Oriel Pangcog, 601Bde Commander, pinangunahan ni Datu Anggal Midtimbang Mayor Mary Joy Estephanie Midtimbang ang “Balik-Baril” Program na isinagawa sa Municipal Covered Court sa Barangay Adaon sa nasabing bayan kasama ang kasundaluhan at kapulisan Datu Anggal Midtimbang Municipal Police Station.
“Patuloy nating pinaaalahanan ang mga kababayan nating may armas na siguraduhing may kaukulang dokumento ito para hindi humantong sa pagkakakulong at kung may “unregistered firearms” naman ay maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung nais nila itong isuko”, ayon kay Brig. Gen. Pangcog.
Pinuri naman ni Maj. Gen. Alex Rillera, Commander ng 6ID at JTF Central ang 2Mech Bn at 601Bde sa kanilang pagsisikap na tuldukan ang pagkalat ng loose firearms.
"Ang pagsuko ng mga gamit pandigma na walang kaukulang dokumento ay katumbas ng mas mapayapang pamumuhay at pagtakwil ng mga ito sa karahasan. Tinitiyak kong tuloy-tuloy ang gagawin nating paglalansag ng mga loose firearms para sa mas maging mapayapa ang bahaging ito ng Mindanao," wika pa ni Maj. Gen. Rillera.///
(Story and photos by: 6ID, PA)
PRESS RELEASE | Loose firearms in Maguindano del Sur are being found continuously
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – As a result of the government's intensified campaign against the spread of loose firearms, seven individuals voluntarily turned over different weapons from the barangays of Datu Anggal Midtimbang, Maguindano del Sur this Wednesday morning (May 24, 2023).
With the assistance of 2Mech Bn headed by Lt. Col. Tristram Tolentino turnover guns which include three (3) Cal.30 M1 Rifle, one (1) M14 Rifle, one (2) Uzi 9mm, two (2) 12 Gauge Shotgun and one (1) M16 Rifle from Barangays of Brar, Mapayag, Adaon, Midweigh, Help, Lead and Defeat.
According to Brigadier General Oriel Pangcog, 601Bde Commander, Datu Anggal Midtimbang Mayor Mary Joy Estephanie Midtimbang led the “Balik-Baril” Program conducted at the Municipal Covered Court in Barangay Adaon in the said town with the military and police of Datu Anggal midtimbang Municipal Police Station.
“We continue to remind our armed compatriots to make sure they have the proper documentation so that they don’t lead to incarceration and that if there are “unregistered firearms” they may contact the nearest police station if they wish to surrender them,” Brig. Gen. It's a match.
Maj. Gen. Alex Rillera, Commander of 6ID and JTF Central praised 2Mech Bn and 601Bde for their efforts to stop the spread of loose firearms.
"Surrendering weapons of war without proper documentation equals a more peaceful life and refusal of them to violence." I assure you that we will continuously do the release of loose firearms to make this part of Mindanao more peaceful," Maj. Gen. Rillera said. ///
(Story and photos by: 6ID, PA)
https://www.facebook.com/armedforcesofthephilippines