SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
AUGUST 20, 2020
Binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog (MGC-NPA ST) ang sambayanang Pilipino na matatag na lumalaban at walang-tigil na sumusuporta sa pakikibaka laban sa pagsasabatas ni Duterte sa Anti-Terror Act of 2020 (ATA). Ang libo-libong mamamayang humugos sa lansangan sa kabila ng militaristang lockdown at kulang sa isang milyong netizens na nagpetisyon upang tutulan ang ATA ay patunay na hindi kailanman kayang pigilan ni Duterte ang nag-aalimpuyong galit ng taumbayan at pagkamuhi sa mga anti-mamamayan at pasistang patakaran ng rehimen. Kasalukuyang may 27 petisyon ang mga manggagawa, magsasaka, abugado, taong simbahan, mga makabayang pulitiko at lingkod-bayan, mga pambansang minorya at iba pa na nakahain sa Korte Suprema para ibasura ang ATA.
Labis na nasisindak si Duterte sa lakas ng mamamayan. Ipinataw niya ang isang malupit na batas na nagbibigay sa kanya ng absolutong kapangyarihan laban sa buong hanay ng mga mamamayan. Pangunahing tinatarget nito ang mga aktibista, mga progresibo’t makabayan, kritiko at oposisyon sa rehimen. Pinasaklaw ng rehimen ang ATA upang hatulang “terorista” ang sinumang hindi papabor sa mga anti-mamamayan at anti-demokratikong patakaran na naglilingkod sa interes ng imperyalismo at lokal na mga naghaharing uri sa Pilipinas. Kamakailan, nagbanta pa siya sa mga doktor na nagpaparating lamang ng mga hinaing hinggil sa pangangailangan ng sektor ng kalusugan na “mag-rebolusyon na lang sila” sa harap ng tumitinding pasismo ng kanyang rehimen at atake ng COVID-19.
Buong lakas na pinakakawalan ni Duterte ang terorismo ng estado sa mamamayan. Sa Timog Katagalugan inaresto’t bininbin ang 88 aktibistang nagprotesta sa SONA ni Duterte. Karumaldumal na pinaslang ng rehimen ang isang progresibong Barangay Captain sa Laguna na si Froilan Reyes noong Hunyo 18. Pinakahuli ang brutal na pagpaslang kay Randall Echanis na consultant ng NDFP sa loob ng kanyang inuupahang kwarto sa Quezon City noong Agosto 10 at kay Sarah Alvarez ng Karapatan-Negros na inambus ng military death squad ng rehimen sa Bacolod City nito lamang Agosto 17. Ang mga krimeng ito ay nagsisilbing dobleng talim na pumapaslang sa mga kritiko at naninindak sa mamamayan.
Sa kabila ng samu’t saring pakana ng estado para supilin ang pakikibaka ng sambayanan, nananatiling matibay ang paninindigan ng mamamayang Pilipino na labanan ang tiranya, teror at pasismo ni Duterte. Hindi natatakot ang mamamayang Pilipino na harapin si Duterte. Taliwas sa inaakala ni Duterte na mananahimik ang mamamayan, lalong lalakas ang kanilang panawagan para sa hustisya at karapatan hanggang sa pagpapabagsak sa kinamumuhiang rehimen.
Kaugnay nito, ipinararating ng MGC-NPA ST ang lubos na suporta sa pakikibaka ng mamamayan laban sa ATA at kay Duterte. Habang nagpapatuloy ang panawagan ng bayan na ibasura ang ATA at patalsikin si Duterte, patuloy na ilulunsad ng mga yunit sa ilalim ng MGC ang mga taktikal na opensiba para durugin ang mga teroristang AFP-PNP na siyang sandata ni Duterte laban sa mamamayan at instrumento sa pagpapatupad ng ATA. Hindi lulubay ang mga yunit ng NPA sa rehiyon sa pagsusulong ng armadong pakikibaka upang papanagutin ang mersenaryong AFP at PNP at ipagtanggol ang sambayanan laban sa pasismo ng rehimen sa gitna ng pandemya.
Bukas ang mga larangang gerilyang saklaw ng MGC sa lahat ng mamamayang nanganganib at may banta sa kanilang buhay mula sa military death squad ni Duterte. Handang kanlungin ng mga yunit ng NPA ST ang sinumang mamamayang nanganganib ang buhay at kaligtasan mula sa kriminal at mamamatay-taong rehimen.
Sa halip na matakot at mapipilan, ang sambayanan ay kinakailangang lumaban sa anumang paraang alam nila at humawak ng sandata at magsulong ng armadong rebolusyon para wakasan ang tiraniya at pasismo ni Duterte. Lagi’t laging katuwang ng malawak na hanay ng mamamayang Pilipino ang NPA sa pagtatanggol ng kanilang interes. Nariyan din ang PKP para pamunuan ang kanilang pakikibaka. Sa nagkakaisang lakas ng CPP-NPA at ng sambayanang Pilipino, maibabagsak natin ang diktadurya ni Duterte at maitatayo ang tunay na gubyernong nagsusulong ng interes ng mamamayan.
Ibasura ang Anti-Terror Act of 2020!
Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
https://cpp.ph/statements/bukas-na-liham-sa-lahat-ng-mamamayang-lumalaban-sa-ata/