From InterAksyon (Mar 9):
FULL TRANSCRIPT | PNoy's latest statement on Mamasapano: Maliwanag na binola ako ni Napenas
Malacanang
Palace officials on
Monday sought to ease fears in some quarters that the Board of Inquiry report
on the Mamasapano incident will be tailored to suit the narrative of the
President.
That fear was further fueled by an announcement Monday that the Board sought
yet another extension for submitting its report, as the panel gathering the
documents and evidence had just finished turning in its work last March 6 and
the Board members needed time to comb through them.
But a less-than-credible report, stressed the Palace, will benefit no one.
Still, even as the public awaited anxiously the official findings on what
happened with the anti-terrorist mission that neutralized a Malaysian terrorist
but killed 44 police commandos, the President on Monday provided a long,
detailed account of what really went down there, in that marshy field in
Barangay Tukanalipao, on Jan. 25.
In a long, rambling narrative provided in reply to a question on the sidelines
of a prayer breakfast with a coalition of Christian leaders, President Benigno
Aquino III insisted anew he was fed lies about details of the operation.
He blamed the sacked SAF director Getulio Napenas for much of the planning
gaps, and for countermanding his order to coordinate early enough with the
military, which had the mechanized muscle to provide cover to the SAF raiders.
But he was silent on why he did not blame the then-suspended PNP chief, Alan
Purisima, for telling Napenas to inform the AFP chief of staff and the DILG
secretary only when the SAF men are on the ground. As for why he dealt with a
suspended PNP chief on such a sensitive mission, the President offered this
explanation: he had been using Purisima right from the start to deal with
Napenas.
Sounding like he was very much in the thick of the planning details, the
President said he would not have allowed the SAF to go on a suicide mission
where preventable casualties are caused by wrong planning or miscoordination.
The President has not been invited to give his narrative before the BOI or the Senate
panel on the Mamasapano.
But here below, in the transcript of his
Monday "Q and A" with the Christian leaders, Mr. Aquino gives his own
account:
Host: Maraming, maraming salamat po, Mr. President, for that
inspiring, hope-giving message. Kaya po patuloy kayo pong makakaasa ng aming
dalangin para sa inyo. Now we go to our presidential question-and-answer hour.
Mayroon po tayong mga selected leaders na sila po ang magtatanong ng mga tanong
na may kaugnayan po sa mga nangyayari sa ating minamahal na bansa, and we are
very, very glad that the President is very much willing to answer these for us,
and to clarify matters for us. Ang una pong magtatanong, Mr. President, ay si
Pastor Ed de Guzman.
Pastor Ed de Guzman: Mr. President, maraming pong mga opinyon
ang iba’t ibang tao tungkol sa Mamasapano incident. Maaari po bang malaman mula
sa aming Pangulo mismo kung ano po ang mga tunay na kaganapan dito?
PRESIDENT AQUINO: ‘Yung sa Mamasapano ho, alam naman po ninyo,
ang objective natin dito mayroong tinutugis na dalawang kilabot na terorista.
‘Yung isa ang ngalan ay ‘Marwan,’ ‘yung isa naman ay isa Basit Usman. Si Marwan
ay Malaysian at si Basit Usman naman po ay Pilipino.
Ngayon, mayroon hong outstanding warrants, and tanda ko po—kunwari si
Marwan—2002 pa ho tinutugis na. So miyembro ho raw si Marwan ng grupong
tinatawag na Jemaah Islamiyah at miyembro ng central committee nila—mataas hong
opisyal doon sa grupong ito—affiliated, allegedly, with al-Qaeda. Sila po ang
inakusahan na nasa (likod ng) pambobomba sa Bali,
Indonesia kung saan—kung tama ho
ang tanda ko—lampas 200 katao ang namatay. Doon sa pambobombang ‘yon talagang
gustong maghasik ng terorismo na nagpaputok ng isang bomba, hinintay
magdatingan ‘yung first responders at saka, ‘yung sa ating kataga, ‘yung
‘usisero;’ ‘nung marami nang nagkumpol-kumpol doon, pinaputok ‘yung pangalawang
bomba kaya ang dami hong namatay.
So mula 2002 hanggang itong taon nga hong 2015 ay talagang nagkakalat (siya) ng
kanyang kaalaman sa paggagawa ng bomba sa iba’t ibang mga grupo na gustong
magpatuloy ng karahasan. So marami pong operations na nangyari na bago pa noong
panahon ko para madala itong si Marwan, si Usman, at iba pang mga terorista sa
ating mga korte. Ito hong huling
plano
ay tinawag na ‘Oplan Exodus.’ Napakarami na hong mga planong hinain. ‘Yung sa
panahon ko, mayroon akong naalala noong 2012, may mga operations noong 2013, at
mayroong mga operations din noong 2014. Kung minsan po AFP (Armed Forces of the
Philippines)
ang nangunguna sa operations—sila ang may tinatawag na actionable
intelligence—mayroon naman po kung minsan ang PNP (Philippine National Police).
So dito po sa
plano,
dapat papasok ang—‘yung tinatawag nilang seaborne na SAF (Special Action
Force)—sila po… Well, ‘yung explanation sa akin ‘nung umpisa, 160 na seaborne
SAF ang mag-a-undertake ng mission na kung saan susuportahan—sa aking utos—sila
ng AFP, lalo na doon sa pagpasok stealthily, paglabas. Mayroon ho kasing
kalaban na tinatayang mula tatlo hanggang apat na libo (3,000 to 4,000)—parang
potential na kalaban. Nandiyan po ‘yung grupo ng BIFF (Bangsamoro Islamic
Freedom Fighters); nandiyan po ‘yung MILF (Moro Islamic Liberation Front);
nandiyan po ‘yung private armed groups na diumano ng Ampatuan. 2013 po
nag-service ng warrant para sa isang suspect sa Maguindanao massacre, at ‘nung
sinerve (serve) po ito, lumaban; napatay po ‘yon, nahuli ‘yung kanyang mga
kasamahan; paglabas po kasama ng mga naaresto, nangyari po ‘yung tinatawag sa
practice sa
Mindanao, ‘yung tinatawag nilang
‘pintakasi.’ ‘Yung nagsama-sama ang kung anu-anong puwersa, kadalasan Muslim,
at ‘pag maliit ‘yung puwersa ng estado ay—sa Tagalog po—‘kinukuyog.’ E (sa)
pagkakataong ‘yon maganda ho ang coordination. Tatawagan ‘yung mechanized
brigade, pasok ‘yung mechanized brigade, nailigtas po ‘yung ating mga miyembro
ng PNP regional office sa ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao).
So dumating po itong operation. Mayroon po tayong ‘nung mga, unang-una,
actionable intelligence. Ano ba ang ibig sabihin ‘non? Itong si Marwan, si
Usman, pinpointed ang tinitirhan. Hindi ho nakita dito, nakita diyan. Normally,
‘pag sinabing ‘sighting,’ may isa tayo o dalawang ahente ng intelligence na
wala hong magagawa kung nag-iisa o dalawa. Pero ngayon po, medyo ilang buwan na
silang pumirmi, tumigil at nagcu-cultivate po ng maayos na pagkilos dito sa
lugar nga ho sa Mamasapano. So gumawa ho ng
plano, prinisenta sa atin ‘yung pinakahuling
version ‘nung January. Prinisenta po sa atin ‘yung buong
plano sa pamamagitan ng isang Power Point
presentation na kung titingnan po natin ay nakapa-thorough ‘nung planning.
Ultimo po ‘yung ano bang phase ‘nung buwan, ‘yung gaano kalakas ba ang
illumination ng buwan, naka-plot po doon sa kanilang mga dates. Bakit namin
pinili itong petsang ito? Ipaliwanag ko lang po nang konti, pasensya na ho kayo
medyo mahaba ‘yung details, ano.
‘Yung night vision ho, device, siyempre ‘pag walang buwan o mahina ‘yung
buwan—palubog ‘yung buwan—maximum ‘yung effect niya dahil ‘yung kalaban natin
na walang night vision siyempre madilim ang ino-operate. So ang lamang po ng
ating puwersa, mayroong night vision device, pipili ng araw kung saan mahina
‘yung illumination ng buwan o may cloud cover na dagdag para ma-maximize ‘yung
advantage nila. So pupuntahan ‘yung target, papasukan, nag-jump off ng 10:00 ng
gabi—‘yon pong detalye nalaman ko na after—pero gabi, papasok doon, madaling
araw—mga ala-una, alas-dos—matatapos ‘yung misyon, tapos lalabas. ‘Nung
prinesent (present) na po ‘yung
plano,
siyempre, hindi ho lahat ng detalye hiningi ko. ‘Yun bang, ‘ano ba ‘yung actual
na rutang tatahakin? Ilan ba ang tatahak sa rutang ito?’ Mayroon pong tinatawag
sa gobyernong ‘presumption of regularity.’ ‘Yung taong kausap ko hong expert,
dapat hindi ko na siya turuan ng… Kunwari ho, college level na, hindi ko na
tatanungin ng ‘paki-recite mo nga ‘yung A, B, C, D,’ ‘di ba? So parang sa
presentation mukhang pinag-isipan lahat, ang hindi ko lang ho—o hindi ako
masaya doon sa plano, sabi ko, 160 ‘yung gagamitin mo diyan at 3,000 to 4,000
‘yung potential na baka maging kalaban, baka naman mapintakasi tayo o
siguradong mapipintakasi tayo at mabibilad ‘yung mga tao mo.
So sinabi ko sa kanya kailangan makipag-coordinate ka sa AFP. ‘Yung AFP po
kasi—kausap ko dito si Director (Getulio) Napeñas—‘yung AFP ho ang may kanyon,
may armored vehicles, may eroplano. ‘Pag sinabi hong coordinate… Sabi niya sa
akin, ‘sir, magko-coordinate kami sa jump-off’—kumbaga, pagkilos. Sabi ko hindi
pwede ‘yung pagkilos dahil patungo ka na doon sa objective. Kailangan
i-posisyon ‘yung kanyon; kailangan i-posisyon ‘yung tangke; kailangan
i-posisyon ‘yung eroplano; kailangan i-posisyon ‘yung tao; kailangan i-posisyon
‘yung gasolina at saka ‘yung bala ng kanyon, ‘yung bomba ‘nung eroplano, et
cetera. Hindi mo naman magagawa ‘yan in 30 minutes or less. Sabi nila, ‘sir,
‘yung operation on security.’ Kausapin niyo ‘yung pinakamataas na kailangang
kausapin na pwede niyang utusan lahat itong subordinate units na pumunta sa
kani-kanilang mga puwesto para reding (ready) umalalay.
Ngayon ho, ‘yung sagot niya sa akin ‘nung una, ‘jump-off;’ hindi ako pumayag.
In-insist ko several days before, pinakamataas, dahil nabilinan ko rin po
beforehand doon sa ibang operation—Chief of Staff ng AFP at saka Director
General ng PNP—mag-coordinate kayo para hindi kontrahan ‘yung mga ginagawa
ninyo, para matugis itong dalawang ito. So sinagot po niya sa akin: ‘Yes, sir.’
Dumating ‘yung araw, January 25, ‘di po ba—baka itatanong niyo kung bakit
tandang-tanda ko ‘yung petsa? Birthday po kasi ng nanay ko ‘yon e, at tumungo kami
sa Zamboanga dahil doon sa pambobomba na nangyari na kung saan lampas 50 katao
ang nasugatan, may dalawang patay. Una kong natanggap na text, nandito pa ho sa
telepono ko, parang pinadala ng 5:45—aminin ko nakapatay ‘yung telepono ko,
7:00 more or less ‘nung pagbangon (ko) binuksan, sinagot ko siya ng about 7:30
or so—at sinabi sa akin doon sa text ni Director General (Alan) Purisima… Sa
kanya ko ho dinadaan kasi parati mula nung umpisa ‘yung mga mensahe ng director
ng SAF. Hindi ko ho kausap ‘yung director ng SAF e, diretsuhan, mula ‘nung
umpisa. So naabot si Marwan, na-neutralize, nagkaroon ng firefight at napaatras
sila. Sa dulo ho sa palitan namin, tinanong ko—kasi nakalagay ho sa text niya
15 hanggang 20 katao ang lumaban dito sa puwersa natin—so ang tanong ko sa
kanya: ‘160 ‘yung ipinadala ninyo, mayroong suporta ng AFP at saka PNP units
pa, bakit aatras ‘yung 160 kung ang lumalaban 15 hanggang 20?’
Mayroon hong doctrine sa militar kasi, ‘pag mayroon kayong gustong i-take na
objective,’ minimum ratio is three-to-one (3:1). ‘Yung aatake ho dadaan sa open
ground, ‘yung nagdedepensa naman nakakubli, so mas maraming malalagasan sa
nag-a-attack. When you want to take an objective, the ratio therefore of
attackers to defenders is three-to-one, and when you want to take and hold
their objective, it has to be eight-to-one. So 160 po ‘yung atin, 15 to 20
‘yung sa kanila, bakit umatras ‘yung 160 natin? At parang doon po, medyo
napag-isip na ako, ‘mukhang may kulang yata dito sa sinasabi.’ Tapos ang
paliwanag nakihalo raw po ‘yung BIFF kaya naobliga hong umatras ang ating mga
puwersa.
Ngayon ho, ‘yung… Marami hong detalye e. Ayoko naman ho kayong lunurin sa
detalye, pero simpleng-simple ho, ganito ‘yung mga nakita natin sa umpisa’s
umpisa: ‘Yung kung saan ho kayo nakaupo ngayon—damuhan, ‘di ho ba?—ngayon,
ganyan ho ‘yung hitsura ‘nung 80 percent ng lupain dito sa area na ito. Kumbaga
ho, ang idea, ‘yung seaborne lulusob; ‘yung SAF 55 ang aalalay sa kanila;
babantayan ‘yung escape route. Ang problema ‘yung babantayan na lugar, ganyan,
damuhan; walang punong kukublihan—kung mayroon man, mga ilang punong niyog,
ilang puno ng saging, ‘yung iba maisan. ‘Yung mais ho hindi haharang ng bala;
‘yung saging hindi rin siguradong haharang ng bala. Ngayon, isipin po ninyo, 38
ang lumusob na SAF na seaborne; ang sasalo sa kanila 36 ng SAF 55. Kung ‘yung
38 umatras, ibig sabihin may humahabol na puwersang malakas, tama ho ba? Kung
malakas ‘yung puwersa na hindi mahinto ng 38, siguro mas hindi matutulungan ng
36, maliban na lang ho kung mayroong tinatawag na… ‘Di ba, mayroong itinuturong
sa ating ‘choose your battlefield?’ Ibig sabihin ‘non, hanap ka ng terrain,
lamang ka. Mayroon kang pagkukubliang mga malalaking bato; mayroong mga punong
magtatago ng puwesto mo; may oras ka na gumawa ng foxhole, ‘di ba? Tapos
magugulat ‘yung humahabol. Pero ang problema nga ho, ganyan pala ‘yon. Hindi ho
sinabi sa aking… ‘Yung picture na ipinakita sa akin iba-ibang—‘yung darkness ho
ng green e. So parang ‘pag tinitingnan mo, ‘o dito mukhang makapal na makapal
ang puno; ‘pag dito tiningnan mo—o dito mukhang cultivated land,’ so mayroong…
Pipili ka ng puwesto… May in-establish ho kasi ‘nung papasok at dalawa ‘yung
exit route; babantayan ‘yung exit route na lamang ka sa puwesto—‘yon may
posibilidad ‘yon na kaya mong harangin ‘yung mas malaking puwersa.
So ang problema nga ho nito, bakit walang foxhole? Wala hong entrenching tool
pala itong SAF. Entrenching tool ho ‘yung pwedeng pala, pwedeng piko, gagawa ka
ng foxhole. Wala palang terrain na pagkukublian. Tapos ang masakit pa ho,
inutusan lahat itong mga susunod na aalalay doon sa seaborne, bawat
platoon—tawag ho nila ‘company,’ pero actually ang dineploy (deploy) doon
platoon—‘yung platoon ho mga 30 katao. Babantayan ang tatlong waypoint. ‘Yung
tatlong waypoint, maghahati pa pala itong 30, tapos tatayo sa damong ganyan.
Kung alam ko ho ‘yung parte ng planong ‘yon, palagay ko ho hindi na natin
in-approve. Sandali lang, paano haharang ito, paano aalalay kung wala silang
advantage ng terrain?
Ngayon po, ano ang mga nangyari pa? Pagtawid una ‘nung seaborne, biglang mataas
‘yung tubig at malakas ‘yung current. Ang nakatawid doon sa 38, 13. So ‘nung
ginawa ‘yung plano—‘yung seaborne na operator po kasi 50-plus e—hindi ginamit
‘yung buong 50-plus, ang ginamit 38. So 38 was deemed enough at mayroon kang
reserved, kung tutuusin, doon sa unit para ma-accomplish ‘yung pagtira doon sa
dalawang target and then ‘yung pagkuha. ‘Nung nangyari ‘yon, 13 na lang ang
natira, one-third na lang ng puwersa mo; pwede na hong nagsabing ‘abort.’ Teka
muna, kailangan natin times three, ang dadalhin natin one-third; mukhang malabo
itong planong ito. First time na—‘yung sa pagtingin pa lang po doon sa
nangyari. ‘Yung SAF 55 naman po na umabot sila sa waypoint 12, ang debate po
dapat nasa waypoint 19 sila. Waypoint po parang ‘yung sa GPS (global
positioning system), dapat nandito kayo sa puwestong ito. So ang distansya po
bawat waypoint between 100 to 200 meters, so malayo sa puwesto para makaalalay
‘yung SAF 55. Pwedeng… ‘Nung nalaman ko… Ang makakaalam po nito ‘yung tactical
command post kung saan nandoon si Director Napeñas. Kulang ‘yung seaborne na
nakatawid muna ‘nung ilog, malayo ‘yung aalalay, pwede na niyang sinabi ‘yung
‘abort.’ Dahil nahuli sa pagpuwesto ‘yung SAF 55, ‘yung SAF 41 to 45 na nauna
na bumabantay ng ruta at saka ng kalsada, nahuli rin. Dapat silang i-deploy
2:30 ng umaga, dineploy sila ng 5:30 ng umaga. Ang problema po ng 5:30 ng
umaga, malapit nang sumikat ‘yung araw, wala nang silbi ‘yung night vision
mo—hindi ka na lamang. Pwede na namang sinabi ‘yung ‘abort.’ Parang makikita
naman niyang, ‘Uy! 2:30, e 3:30 na hindi pa nakapuwesto; 4:30 na hindi pa
nakapuwesto; 5:30 na hindi nakapuwesto’—pwedeng i-abort. Sasabihin—[baka ho
may] magtatanong: ‘bakit hindi siya nag-abort?’ Hindi ko ho alam. Dahil marami
ho silang ibang operation na nag-abort at iba-iba ang dahilan.
Sa totoo lang ho, dito sa pagkakausap ko sa SAF, doon sa plano parati pong
mayroong isang pahina na sinasabing ‘kailan tayo pwedeng mag-abort?’ Dito ho tinanggal
‘yung pahina. Nawala doon sa operations nila na mayroong parang pahintulot na
pwede kayong mag-abort. Ngayon ho, ang masakit, pagdating nitong SAF 41 to 45,
pagbaba nila ng sasakyan, ang testimonya ng mga hepe nilang nandoon,
nagpuputukan na. Ang dapat siguro ‘non—mga 300 mahigit po ito, mga 318 o
319—inipon mo ‘yang puwersang ‘yan, dinikitan mo na as much as possible,
sinubukan mong tulungan ‘yung SAF 55. Ang inutos daw ho sa kanila, ‘punta kayo
doon sa mga waypoints ninyo.’ Parang tinuloy ‘yung plano na nagbago na ‘yung
nangyayari o ‘yung kondisyones. Tapos ‘nung hinati-hati dito sa kanilang mga
waypoints—siyam na waypoints yata silang hinati doon sa 300—hindi, sandali ho.
‘Yung tatlong kompanya, hinati sa siyam; tapos ‘yung dalawang kompanya pa o
platoon, actually, iniwan doon sa kalsada para bantayan ‘yung kalsada, hindi
sila ma-ambush doon sa kalsadang ito. ‘Nung hinati-hati ‘yung puwersa, bigla
nang nakapag-isip, mukhang kailangan nating tulungan ‘yung 55, ipunin lahat
‘yan. Siyempre, tumatakbo na po ‘yung oras, nagbabakbakan na; hinati-hati mo,
iipunin mo; by the time na nakalapit po sila, ang testimonya sa akin,
napalibutan na nang husto ‘yung SAF 55—hindi sila makalapit. Sumubok hong
tumulong, supposed to be, ‘yung SAF 45 sa isang side; tapos ‘yung bumabalik po
na seaborne, sumubok ring makipag-link up dito sa SAF 55. Pero masyadong
malakas daw ho ‘yung putukan, ‘yung mortar, hindi sila makalapit.
Ngayon ho, ‘yung ginawa ho ni Director Napeñas, ‘yung sinabihan niya akong 160
ang gagamitin dito, ang dinala niya doon over 390. Tapos, siyempre, iniisip
natin bakit niya ginawa ito? ‘Nung sinabi ko sa kanyang ‘yung 160 manipis,
inisip niya: ‘teka muna, kumuha na ako ng lahat ng madadala ko diyan.’ So ‘yung
160, times two, 320; dinagdagan pa niya kaya naging 390. Siya lang ho—at ilan
sa kanila doon sa senior na group—ang nakakaalam na hindi sila nag-coordinate
sa AFP. ‘Yung coordinate po: ‘Dito kami papasok, dito kami lalabas; ito ang
potensyal na haharang sa amin, ito ang kailangan naming alalay sa inyo,’ ‘di
ba? ‘Yon ho ang coordination e. Ngayon, sana ho pwede kong masabing
‘tatanga-tanga si Napeñas, hindi niya alam ‘yung lugar.’ Ang problema ho siya
‘yung regional public safety battalion commander ‘nung 2007 to 2008. Alam po
niya ‘yung terrain; alam po niya ‘yung kultura. Siya po ang may alam na hindi
siya nag-coordinate sa AFP. Idagdag ko pa ho, nagkaroon ng… ‘Yung AFP bakit
naman nila alam na may ganitong operation? ‘Nung AFP Day po ‘nung 2014,
nagkaroon ng coordination meeting, na para bang nag-usap ng concept. Walang
sinabing detalye. Sa dulo po ‘nung meeting, hihintayin ng AFP ‘yung mga detalye
para makapagplano sila ng kanilang papel. Nagkaroon ng pangalawang meeting sa
ZAmboanga, wala pa rin ‘yung detalye. So ang pananaw ng AFP, walang operation,
hanggang humihingi na ng saklolo alas-sais ng umaga—pabalik na. Tandaan ho
ninyo, nangako siya ‘nung una, ‘jump-off’—10:00 ng gabi ‘yon—sabi ko, days
before. Hindi nagawa ‘yung days before, hindi nagawa ‘yung 10:00, ginawa po
niya ‘nung pabalik na ‘yung tropa—‘yung ‘time on target’ na tinatawag nila.
Ngayon, ‘yung AFP ho sumubok tumulong, ‘yon bang… Sa totoo lang ho, may mga
radyong sophisticated na ginagamit po ng Sandatahang Lakas at saka ng pulis. Sa
pulis po dalawang klase pa ang mga radyo. Pero ‘nung araw na ‘yan parang
maraming gumamit ng cellphone. At ‘yung cellphone hindi ho maganda ang signal
sa ibang lugar, nagkaroon pa ng question ng load, ‘yung mga ganoon ho—kasama na
ho ‘yon sa itutugis ng Board of Inquiry. Pero ang bottom line ho, kung alam ko
na ganito ang gagawin niya from the start, ay hinindian ko ho itong misyon na
ito. Parang ‘yung pwedeng-pwedeng maging successful na misyon, sa ginawa niyang
plano, parang naging mission impossible. Ngayon ho, ‘yung masakit ho nito sa
totoo lang, bago ako umalis at tumungo ng Zamboanga, nakatanggap ako ng
dalawang text: isa galing kay Director General Purisima kung saan nilagay doon
na ‘yung artillery saka ‘yung armor ay tumutulong na. Hindi ‘tutulong’ pero
nakalagay po doon are ‘all ready to support.’ Nag-text po si Napeñas, ipinadala
niya sa liderato ng PNP—kay General (Leonardo) Espina—mga alas-singko na ng
umaga, o baka alas-sais na ng umaga, kung saan ang pinaka-importanteng parte
doon sa ipinadala niya… Sinabi naman ho ‘yung ‘si Marwan nakuha, umatras ‘nung
may nakipaglaban…’—ganyan. Sa dulo po ‘nung text ni Napeñas, nakalagay doon,
‘extraction ongoing.’ Hindi ho ‘extraction is imminent’ or ‘extraction
started’—‘extraction is ongoing.’ So binalikan ko po itong mga text dahil sabi
ko, ‘bakit ba wala akong sense of urgency na delikado ang mangyayari o
nangyayari doon sa SAF 55?’ ‘Pag sinama niyo ‘yung dalawang texts, tapos ‘yung
nag-‘yes, sir’ sa akin… Ako lang naman po ‘yung Commander-in-Chief, sinabi ng
subordinate ko na tutuparin niya ‘yung utos ko—at mayroon naman pong nangyari
noong 2013 na ‘pag tama ang coordination ay hindi ho napapahamak, ‘di ba, ‘yung
ating tropa—akala ko ho tapos na ‘yung insidente. Pagdating ko ho ng Zamboanga
City, doon naging klaro, halos walang may alam. Naging maliwanag na walang
coordination. ‘Yung nasaan ba actually ang tinutulungan natin?
‘Yung seaborne ho na SAF, sa totoo lang hapon na, late afternoon bago tayo
sinabihan na mayroong—dalawa pala ang sinasalba nating SAF units, hindi lang
‘yung 55. Ngayon ho, ‘yung… Sa totoo lang, naghanda tayo pati eroplano.
Pag-alis ko ho sa Villamor patungo ng Zamboanga, sabi ko sa commanding general
ng Air Force, sabi ko ‘yung operation natin kay Marwan ha, siguraduhin mo ‘yung
available assets talagang available.’ Sagot sa akin: ‘Yes, sir.’ Alam ko
nag-coordinate sila lahat e. Pag-alis ko, tumawag siya sa Western Mindanao
Command, sinabi ‘ano ba ‘yung operation kay Marwan?’ So talagang mayroon pa
hong mga ibang detalye na pababayaan ko na ‘yung Board of Inquiry. Pero
madaling… Mapapakita po sa lahat ng ebidensya—cellphone records, witnesses, et
cetera—sinolo ni Napeñas, siya ang nag-desisyon, at ang dami niyang mga
desisyon… Parang may times hindi yata nag-desisyon, may times ho ‘yung desisyon
niya palpak. Pero pag-alis na pag-alis niya sa akin noong January 9, or
thereabouts, mukhang lumalabas ngayon wala siyang intensyon na tuparin ‘yung
utos ko sa kanyang makipag-coordinate.
Ngayon ho, kung may coordination sana, ‘yung seaborne ho…
Nagkaroon… Una, isa lang ang sugatan sa kanila, pero ‘nung hinabol nang hinabol
sila umabot ng siyam ang kanilang casualties. ‘Yung kaya nasalba nakapaputok
ang AFP ng tinatawag nilang marking rounds: papuputok ng artillery round,
makikita mo kung saan tatama, mag-a-adjust kayo—iabante ninyo, iatras ninyo,
igilid ng kanan, kaliwa. Nagpaputok ng isa, hindi nakita; nagpaputok ng
pangalawa para makita ulit; at inabutan ng pangatlo para manigurado. ‘Yung
kalaban, nakita tatlo na ang pumutok, akala po nila dahil ‘yon ngang… Normally,
‘pag nagpaputok ka ng marking, ‘yung una sobra; ‘yung pangalawa, kulang; ‘yung
pangatlo, sentro—pagtapos ‘nung pangatlo… So tatawag na ngayon ‘yung commander
on the ground ng ‘fire for effect,’ bubuhusan na ng rounds ‘yon.
So ‘nung pumutok ‘yung tatlo, akala ng kalaban parating na
‘yung artillery na bubuhos sa kanila, umatras—doon na-rescue ‘yung seaborne.
Kung nag-coordinate sa umpisa’t umpisa, sa atras nila mayroon na tayong
artillery na haharang doon sa humahabol, iba ho ang usapan. Pero dahil wala
hong sinabihan, hindi nag-coordinate; ‘yung coordinate ho saan ba manggagaling…
Saan ba nakapuwesto ‘yung artillery ninyo? Ano ba ang maximum distance niyan?
Hindi ka pwedeng dumaan doon sa kung saan tatakbo ‘yung artillery round,
kailangan sa gilid. Saan ba dapat babagsak ‘yan? Anong oras ba dapat mong
ipadala ‘yan? ‘Yung minuto ho importante e. ‘Nung dumating ho, sabi ng AFP, may
parteng hindi maibigay ‘yung eksaktong puwesto. So ngayon, ‘yung kausap mo
nandito siya, ‘nung dumating ‘yung bala nandoon siya, e doon mo ipinadala ‘yung
artillery rounds, hindi ho pwede, kaya kailangan may coordination na
maganda—patung-patong ho ‘yan hanggang, ‘yon na nga ho, nabilad.
Medyo ‘yun ‘yong ikinasasama ko ng loob e. Hindi dapat
mangyari ito: [kung] sumunod ka na lang sa utos, iba na sana ang nangyari. At
the very least, mababawasan ‘yung casualty natin. Sana hindi mo na rin plinano
na lulusob diyan stealthily, kuno-kuno, na wala naman palang pagkukublihan.
Sana hindi mo na dineploy ng 5:30 ng umaga na wala nang silbi ‘yung night
vision mo.
Ang mga deboto po nating kapatid na Muslim, ‘yung mga iba ho
nagdadasal alas-quatro ng umaga. So ‘pag dumating ka ng alas-singko y medya
medyo gising na gising na, at ‘yun ‘yong iniiwasan mo na makakita sa’yo para
nga hindi ka mapintakasi, pero alam niya ‘yon e. Dumating ng 5:30, pinabayaan
pa rin. Ngayon, ano ba ang alam ko doon? So marami hong operation; na-abort for
one reason or another, tapos ito sinabi sa akin from January 23 to 26. Tapos
bigla na lang January 25, umaga, ito na ‘yung tinetext. Sana, sana nasabihan
ako: ‘sir, napaligiran na ‘yung tropa natin dito, medyo mabagal ang kilos ng
AFP’—parang ganoon—iba ang usapan. Pero ang sinabi, pag-alis ko, bago ako
umalis ng bahay papunta ng airport: ‘nililigtas na lahat at tumutulong na lahat
ng dapat tumulong.’ Hindi pala totoo ‘yon. Ang totoo lang ho kasi, ‘yung armor
support umalis ng kampo…’ ‘Di ba, ‘yung text ho 7:30, mga 8:20 nakaalis ‘nung
kampo. Anim na V-150 at isang platoon dahil inipon lahat ‘yon muna. Hinanap
‘yung tatao diyan tapos pinatakbo ‘yung anong mayroon sila—‘yon po ‘yung quick
reaction force. Tapos ‘nung nagkatanungan, saan ba exactly ‘yung pupuntahan
namin? Ayun, naglabas ng Google map, banda rito. Talagang may lack of
professionalism.
‘Yon na ang point, kasama siya sa mananagot. Siyempre, may
mga tumutuligsa sa atin dito. Inutusan daw siya, isinasalba ko ang sarili ko,
ganoon—aba, hindi ah. Kung ako ang may kasalanan dito, bakit hindi ko aakuin
lahat? Pero ‘pag nakita ho ninyo ‘yung pagpaplano nito, napakahusay ho ‘nung
Power Point presentation. Sa—‘pag binansagan po kalsada sabi nila, ‘ang ganda
ng plano kaya lang drowing pala ito.’ Alam ninyo, may isang pahina pa ho doon
nilagay kung sino ang contact na liaison sa presentation. ‘Pag kailangan mo
‘yung mechanized brigade, ito; ‘pag kailangan mo ‘yan, ito—anong unit niya, et
cetera. Sabi ng mga operator ngayon, para bang doon tinanong, ‘paano ho kami
magko-coordinate? Sagot raw ni Napeñas, ‘ako na ang bahala.’ Importante ho
‘yung ground commander, ‘yung talagang nandoon, ‘yung operating: ‘Sir, nandito
na kami at this time sa puwestong ganito.
Ang kalaban ay nasa ganitong direksyon. Ang dami nila ay
ganyan. Kailangan namin ng artillery support sa ganitong grid.’ Ang makakaalam
‘non ‘yung nandoon. Hindi ‘yung ibabato niya kay Director Napeñas, si Napeñas
ibabato sa AFP; AFP magtatanong, balik kay Napeñas; si Napeñas balik dito sa
tropa. E kung naghahabulan kayo, baka by the time natapos lahat ‘yon, tapos na
‘yung bakbakan—‘di ho ba? So ‘pag tinanong niyo ako kung bakit nag-isip ng
ganito, ewan ko ho. Mayroon akong mga duda, anong motivating factor niya, pero
maliwanag na maliwanag ho na mali. ‘Yung sabi ko sa kanya, ‘baka mapintakasi
tayo rito. Hindi pwede ‘yung 160 mo bahala na doon sa katapat na 3,000 to
4,000. Kailangan nating maniguradong may backup at ‘yung backup ‘yung AFP.
Nandiyan ang tangke, eroplano, sundalo, artillery. Itinago sa kanila. Tapos
sinubukan pa sigurong, ‘di ba, parang remedyuhin—‘kaya ko pa ito.’ E lahat ng
pagreremedyong ‘yon, bumawas nang bumawas ‘yung oras para matulungan natin in a
timely manner ‘yung ating mga ipinadala doon.
‘Nung tinanong po ako ng mga pamilya, sabi sa akin,
ipinadala po ninyo doon at tila napabayaan. Bakit ho ganoon ang nangyari? At sa
totoo lang ho, para sa akin, the truth is I was given the wrong information by
the people who knew most what was happening, and unfortunately, the others who
did not know anything could not give me any further information rather than
very raw information. ‘Yung kailangan mayroon silang tinatawag na 'situational
awareness' e. 'Yung ground commander has to know, has to be close enough to the
battle scene to ba able to see all of his operating units. But he shouldn’t be
too close to the battle scene that he can only see one component of all the
units. Si Napeñas po was 15 kilometers away. So ‘yung, ‘di ba, parang in a
chessboard ina-arrange lahat ‘nung pieces. Hindi ko alam at some point kung
saan niya nabitawan ‘yung situational awareness tapos diretso nang nataranta.
Ang problema ‘yung nataranta, to a large degree, siya lang ang may alam ‘nung
maraming detalye na kakailangin ‘nung aalalay.
Now, having said that, the mission itself is inherently
risky. ‘Yung target ho IED (improvised explosive device) ang ginagawa e, booby
traps. You can expect na mayroon silang force multiplier na ‘pag lulusubin mo
ito, mayroon itong mga traps. Mayroong mga other plans po na—and let me just
share that with you—sorry ang haba ng sagot ko. ‘Yung isa ho sa operations kasi
was supposed to be waterborne. Tapos tamang-tama, gagamitin si seaborne, so may
capabilities to operate watercraft. Marshy area po—may mga rivers, may swamps,
et cetera—so ‘yung boats would have given them an opportunity to enter
stealthily and approach the target from just about 200 meters away instead of
walking four kilometers.
Siyempre, mas konti ‘yung makaka-detect sa inyo sa 200
meters, kaysa sa 4,000 meters. So ‘nung last briefing nga ho, ‘nung January 9,
bigla na lang naging land march. Ano nang nangyari doon sa pinaplano ninyong
waterborne? Ang sagot sa akin ‘yung tubig daw ho bumaba na. Hindi na raw kayang
i-support ‘yung waterborne operation. After the incident, out of curiosity
tinanong ko po ang DOST (Department of Science and Technology), and through
them tinanong ang PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical
Services Administration), ang sagot po sa akin water levels in December and in
January were practically the same. Napapag-isip ako ngayon: ‘Drowing din ba
‘yung hindi na kaya ‘yung tubig?’
Can I just add: When they actually launched this previously
at nag-abort, why was it aborted? ‘Nung sumakay na sa kanilang mga boats at
nag-proceed na doon sa target area, three out of five—if I remember
correctly—were taking in water. Lumulubog po itong mga boats, so in-abort,
balik sa pinagdaungan. Doon ko ho unang nakilala si Napeñas e. Sabi ko,
seaborne, ikaw ang commander, bakit naman hindi pa ninyo matantiya ‘yung
kakayahan ng boat versus ‘yung ilalagay doon sa boat? Medyo, sabi sa akin,
‘sir, ‘nung tao, equipment lang, okay;’ ‘nung nilagay ‘yung armor—‘yung body
vests, helmets, et cetera—sumobra na raw. Sabi ko parang dapat yata nakikita
‘yon sa practice pa lang e. Kaya ‘nung January 9 nagtanong ako, kako, may night
vision. Sanay ba ‘yung mga tao mong gumamit? ‘Sir, halos ara-araw nagpapraktis
sila’—ganoon.
Ngayon, siguro ‘yung pinaka-generous way of looking at it,
maraming wishful thinking si Napeñas as opposed to reality. Pero maliwanag sa
akin, binola niya ako.
Ngayon, ano ho ang responsibilidad ko at this point in time?
May kasabihan ho e: "Fool me once, shame on you; fool me twice, shame on
me." At wala akong balak na ma-‘fool me twice,’ kaya ho humanda ho lahat
ng… Tinawag ko hong liderato ng PNP, sabi ko, ‘alam niyo ‘pag may utos tapos
nag-deviate kayo, siguraduhin ninyo mayroong justification for the
deviation—nagbago ‘yung facts on the ground, for instance—dahil 'pag hindi
ninyo na-justify, one degree ng deviation na wala nang benefit of the doubt,
insubordination kaagad ‘yan and you will be out and you will be parang filed
the appropriate charges. Now, the task before us, siyempre (is) to take care of
the families that were left behind and reconstitute the SAF to rebuild its
esprit de corps, its morale, especially and given the fact that next year, the
police will play a very vital role in ensuring that we have safe, orderly, and
peaceful elections. So they have to be ready before that period comes in. I
hope that gives you a bird’s eye view of what transpired. Thank you po.
http://www.interaksyon.com/article/106569/full-transcript--pnoys-latest-statement-on-mamasapano-maliwanag-na-binola-ako-ni-napenas